Friday, July 01, 2005
Mga Basura at Alaala (edited)
Linggo na naman. Umuulan sa labas, malakas.
Masarap ang maghiga-higa ngayon at magpakatamad.
Masarap matulog, pagkat bukas ay simula na naman
ng isang linggong paspasan sa pag-aaral. Mabuti'i
walang tao dito sa bahay, walang mang-iistorbo.
Inaantok na ako. Nang ako'y malapit nang mapapikit
at magpaanod sa agos ng panaginip, ano ito't bigla
na lamang akong napamulat. Napaisip. Nakaalala.
Naalala kita.
Sa tuwing ipipilit kong pihitin ang pag-inog ng
mundo pabalik, ang parati ko na lamang naaalala ay
ang mga karanasan nating kakaiba, iyon bang
matatawag na first time o once in a lifetime.
Iyong mga tipo ng mga pangyayaring malabo nang
maulit pa. Pero ngayon, naisipan kong balikan ang
mga alaalang maiilap at madaling nakaaalpas sa
ating gunita. Mga bagay na pawang araw araw na
lamang nangyayari. Mahirap pala alalahanin.
Inisip ko. Kailan nga ba tayo huling nagtawanan?
Tungkol saan?
Kailan tayo huling sumakay ng dyip? Nilibre mo
ako? Nung kumain tayo sa labas? Kailan tayo huling
nag-asaran? Nagkabatukan? Naghanapan ng kiliti?
Kailan mo ako huling binigyan ng pamasahe?
Kailan mo napunang pinagmamasadan ko ang
kapayapaan ng iyong mukha habang ika'y nakatitig
sa kawalan o minsan habang nakukwento ka ng mga
nais mong isulat? Kailan tayo huling nagtext?
Nag-aral? Kailan tayo huling nag-usap ng matagal
sa telepono habang ako ay nasa labas ng bahay
namin habang nakatitig sa kawalan kasabay sa
pakikinig ng mga bagay na ginawa mo ng buong linggo?
Kailan mo ako huling binigyan ng kendi...
Kailan nga ba tayo huling nagkita? Hmmm... Parang
kahapon lang yata.
Tumayo ako sa aking pagkakahiga. Hinalukay ko ang
mga kalat ng aking silid. Nakakita ako ng resibo
ng McDo, Tokyo Tokyo, ticket ng bus, Mga kalahati
ng resibo ng mga conventions,. Oo nga't basura,
mga maliliit na bagay lamang. Pero ito ang
kayamanan ko, tumutulong sa aking makaalala. At
ang bawat isa dito'y katumbas ng isang pasasalamat
na araw-araw ko na lamang nalilimutang sabihin sa iyo.
Masarap sana ang may kasabay na balikan ang mga
ito, pero sa pag-iisa kong ito, lungkot lamang ang
ndama ko. Bigla kong naisip na Lunes pala bukas.
Magkita pa kaya tayo? Sana.
from Peyups

Subscribe to Posts [Atom]
Post a Comment